Jelsea's POV Malamig ang bagong lokasyon na kinaroroonan namin ngayon. Hindi kami sanay sa ganitong klima kaya naman alas-sais pa lang ng umaga ay nagpapainit na kami ng tiyan habang balot na balot kami ng ilang patong ng jacket na suot namin. Buti na lang at maraming nagbebenta ng branded na jacket sa mga ukayan na nadaanan namin nang nakaraan. Mall pull outs naman ang mga ito kaya safe naman gamitin. Hindi pa nga nagamit dahil may tag pa at iyong iba naman ay mabango pa na akala mo talaga ay galing sa mall. Kaharap ko sina Daddy at Mommy sa harap ng tea table habang naghihintay kami sa pagsikat ng araw dito sa teresa. Nag-tsa-tsaa sila ni Daddy habang ako naman ay may tangan na tasa ng gatas. “I hope he won't find us here.” I heard my mom say. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapa