Jelsea's POV Tinawagan ko sina Daddy at Mommy para sana ipagbigay alam na narito ako sa La Union. Hindi ko muna sasabihin kung bakit dahil ayaw ko rin naman na mabigla sila. Alam kong marami silang sinakripisyo para sa akin. Ayaw ko naman silang bigyan muli nang takot sa kanilang dibdib dahil alam ko kung gaano sila nasaktan nang malaman ang sinapit ko sa mga kamay ni Master Walden. Alam kong sila ang unang tututol kapag nalaman nilang pumayag akong makipag-ayos sa lalaking iyon. “Ang tagal naman sagutin,” bulong ko. Pinapakinggan ko ang pag-ring sa kabilang linya at naghihintay na may sumagot ng tawag. Subalit natapos na lang ang tawag ay wala man lang sumasagot. Hanggang sa sumubok muli ako ng isa pang tawag. Katulad kanina ay wala pa ring sumasagot. Maybe she left her phone at home.

