Jelsea's POV Gumanti ng mapusok at mapagparusang halik si Master Walden sa akin. Mukhang hindi pa siya nakuntento sa pagsakal sa akin. Gusto pa niya akong saktan sa iba pang paraan. Sa sobrang diin ng mga halik niya ay halos ramdam ko na ang mga ngipin niya na bumabaon sa aking mga gilagid. Ang sakit. Gusto ko siyang itulak. Pakiramdam ko nagdurugo na ang mga labi at gilagid ko. Pero ayaw ko rin naman siyang patigilin. Ito lang ang makakapagpakalma sa galit na kaniyang nadarama kaya hahayaan ko siya. He is very mad at me. Nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata. Naiintindihan ko ang matinding galit niya sa akin. Niloko ko siya, pinaikot ko sa mga palad ko, gaya ng sabi niya. Isipin na niya ang gusto niyang isipin. Pero hindi ako katulad ng binibintang niya sa akin. Hindi ko rin siya pin