Jelsea's POV After a month of waiting, heto na ang pinakahihintay namin. Ikakasal na kami bukas ni Master Walden. At siyempre hindi kumpleto ang seremonya ng kasal kung walang bridal shower sa bride at bachelor's party or stag party naman sa groom. Dito sa hotel sa Tagaytay Highlands na namin napagpasyahan ni Master Walden na i-celebrate ito. Dito sa hotel na kung saan ay halos buong floor ay occupied ang lahat ng kwarto sa dami ng bisitang gustong dumalo sa kasal namin. Hindi naman namin shoulder ang upa rito sa totoo lang dahil regalo na sa amin ito ni Sir Kor. Maagang pa-bonus na raw niya sa magiging asawa ko. Natuwa kami ni Master Walden dahil menos din iyon sa gastos. Magkano rin iyon kung kukwentahin kaya naman sobra kaming nagpapasalamat dahil sagot na ni Sir Kor ang bills namin

