Chapter 15 Sinadya niyang takasan ang beyanan nang makababa sila ni Lucy sa sasakyan. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya roon at kung paano niya sasabihin na okay lang naman siya dahil masungit pala ang lalaki at medyo mahirap na paliwanagan. Gosh! Napatanga silang magkaibigan sa umiilaw na building ng Riemann LC. Kinilabutan siya bigla sa nakikitang gara ng mga pailaw. Kitang-kita ang mga letrang, LRDA roon. LRDA? Hindi ba at ganoon din ang pangalan ng lalaki sa naked show? No. That’s so impossible. Baka iba naman ang kahulugan ng LRDA na iyon. She couldn’t connect that bastard to her in-law. Pilit niya iyong iwinaksi at ibinaling ang atensyon sa kabuuan ng building. Gwardiyado ang buong lugar at iisa ang pasukan. Nasa labas ang mga tao at naghihintay na mabuksan ang