Chapter 17 Kakamot-kamot sa ulo si Nicolette nang magising siya kinaumagahan. Pakiramdam niya ay wala pa siyang tulog dahil napuyat siya sa beyanan niya. Naihatid naman sila ni Felix sa bahay pero hindi naman niya naatim na pabayaan na lang si Lorenzo. Inasikaso pa niya iyon bago siya matulog. Hindi iyon tipikal na pupunasan ng maligamgam na tubig dahil sa sobrang kalasingan dahil ayaw naman niyang dumutdot sa katawan no’n, pero pinalitan niya ng pang-itaas at inalisan ng sapatos, inayos ang damitan na parang binagyo. Akala niya ay organized ang lalaki pero hindi pala. Organized iyon sa labas ng kwarto pero ang cabinet ay parang dinaanan ng delubyo. Ang mga sapatos ay kung saan-saan nakalagay at ang mga medyas ay walang kapares. The room looked so fine before she slept. Sana ay