Chapter 60 “Sir,” halos mapatid ang hininga ni Felix nang biglaang buksan ang opisina ni Lorenzo. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip at parang tanga na nakatingin sa text message ng asawa sa kanya. His heart is skipping a beat because he really sees positivity in her question. She doesn’t want him to go. Iyon ang nakikita niya pero natutuwa siyang huwag na munang sagutin at namnamin na muna niya ang laman ng message. Shit! May pag-asa na kaya siya sa puso ng misis niya? Sana nga ay meron na. Baka maiyak talaga siya kapag sinabi no’n na mahal din siya. Nag-type na muna siya ng message bago niya iniangat ang mukha kay Felix. If you won’t say yes then I’ll never go. He lied. Hindi na talaga siya pupunta dahil nang ma-receive niya ang text ay naalala niya ang gabi na mag-usa