Chapter 47 Napahaba na naman ng leeg ni Nicolette nang matanaw niya sa salaming dingding na lumabas si Lorenzo sa opisina no’n, nakabungisngis at nakaplaster na naman ang aparato sa tainga. He’s such in a hurry that’s why she got so curious. No, not me. Hormones niya ang curious o malamang ang baby niya. Hindi siya ang curious. Tumayo siya at saka mabilis na humakbang papalapit sa may pinto para silipin iyon. Mag-aalas onse na at magpapa-checkup na siya pero baka nakalimutan ng lalaki na may lakad sila at mukhang aalis pa rin iyon. May date iyon! Buti nga na mag-date iyon pero bakit parang bumabalikwas ang sikmura niya kapag naiisip niya na may lunch date ang matandang manyak? Nagmamadali niyang inabot ang doorknob pero bumukas din iyon kaya halos mapatalon siya sa gulat. “Ay