Chapter 54 Makailang ulit siyang pumangalumbaba sa loob ng opisina niya tapos ay titingin siya sa litrato ng nawala niyang asawa. Ziggy. Ngumiti siya at hinaplos iyon. Hindi siya nasiyahan ay kinuha niya at pinakamasdan. Sa pagdating ni Lorenzo at ng anak niya sa buhay niya, si Ziggy ay naging isa na lang napakagandang alaala. Masakit man isipin at tanggapin, iyon ang totoo. Hindi na nasundan ang pagtatalik nila ni Lorenzo at huli na nang bago sila umuwi galing sa resort pero paulit-ulit iyon na naglalaro sa isip niya kapag nag-iisa siya. Sometimes, she wants to feel him again. Paano na hindi siya mababaliw ay wala iyong kasing lambing. He has plenty of ways how to feed her desires. You’re in love. It’s true. Ang isipin niya na aagawin ni Valentines si Lorenzo o ng kung sino m