Chapter 33 Hindi na mabilang ni Nicolette kung nakakailang baso na siya ng alak sa party. Si Lucy ay hindi na ma-enjoy ang sariling birthday ng boyfriend dahil sa kanya na lang nakatuon ang atensyon nito. Habol siya nito kahit saan siya pumunta at parang saklay na nakaalalay sa isang pilay. Lasing na siya, ramdam niya pero hindi pa siya tumutumba. First time niyang uminom at malakas ang loob niyang lumaklak ng alak dahil magulo ang buhay niya, at simula lang iyon nang dumating ang dakila niyang beyanan. Gusto niyang makunsensya na may sakit iyon dahil sa kanya pero sa tuwing naiisip niya ang ginawa no’n sa kanyang mga paghalik-halik, pilit niyang binubura ang respeto at kabaitan. Aminado siyang lahat ay nagbago na. Nag-iba na ang turingan nila sa isa’t isa at naiiyak siyang isip