Chapter 49 Nakatanga si Nicolette sa harap ng salamin, suot ang puti niyang bestida na abot sa may itaas ng tuhod. Nakaayos ang buhok niya at mukha siyang cute na prinsesa. She looks so simple but she likes her style. Pilipit niya ang mga daliri at hindi alam kung bababa siya o hindi. Dalawang araw pa lang ang nakalilipas simula nang pumunta si Lorenzo sa law firm ni Atty. Johnson pero tumawag iyon kahapon lang para sabihin na nakuha na ang mga papeles pasa sa kasal sibil. May pagtutol pa rin sa isip niya pero sa tuwing naiisip niya ang anak ay nawawala iyon kaya madalas niyang iwinawaksi na lang si Ziggy at ang mga salitang lumabas sa bibig ni Valentines. Kinakaya niyang mag-isa iyon at wala siyang sinabi kay Lorenzo na kahit na ano, even since the other night he already started s