Chapter 24 “Thanks so much, Tris. I enjoyed the night.” Nginitian naman ni Nicolette ang lalaking naglaan ng oras para lang maihatid siya papauwi sa mansyon matapos ang double date nila. Nag-enjoy naman siya pero hinahanap niya ang isang magical effect na hindi siya mauubusan ng kwento at hindi mababagot pero bigo siya. Kumbaga sa isang kwentuhan na masarap, bigla na lang may segundo na titigil at mawawalan na ng topic ang bawat isa. She’s not into this man. Still, no one could beat her Ziggy. Of course if she’ll fall in love again, she wants the same guy like her husband because with him, there’s no dull moment. Walang pause ang mundo niya dahil hindi sila kailanman naubusan ng topic kapag magkasama. “Will there be next time, Nicki?” nakapamulsang tanong ng lalaki sa kanya mat