NABIGLA si Myth nang nakaramdam siya ng sakit mula sa suntok na binitawan ni Beazt sa kanyang sikmura. Sa kabila ng napakatigas niyang balat ay hindi niya maisip na posible palang mangyari ito. Umatras si Beazt matapos iyon at pinagmasdan niya ang paghawak ni Myth sa kanyang sikmura habang may dugong lumalabas mula sa labi nito. Pinagmasdan pa ng Oni ang kamao ng binata at napansin niya ang pagsanib doon ng aura na kumakawala mula sa kanyang katawan. "Ang abilidad niya. Hindi makakabuti sa akin kung patuloy niyang gagamitin ang sarili kong aura," wika ni Myth sa sarili na dumura ng dugo patungo sa ibaba. Pagkatapos ay pinahid niya ang kanyang bibig gamit ang kanyang bisig. Dito'y gigil niyang pinagmasdan ang kalbong binata na hindi man lang niya makitaan ng takot o pangamba sa kany
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


