Chapter Thirty Two - Zephyrine

3340 Words

Habang nasa Hospital si Shine ay hindi nito maiwasan ang mag-alala sa anak na si Zephyrine. Hindi pa kasi bumalik ang kapatid nitong si Sam, samantalang kanina pa naman n'ya sinabihan ang kapatid na puntahan ito sa opisina n'ya. Mabuti na lang at iniwan sila ni Ashley ng kanyang kapatid para makapag-usap sila ng masinsinan at maipaliwanag dito ang nangyari. Nang ang dalawang magkapatid ang natira sa loob ng kwarto sa hospital ay halos walang nagsalita agad sa kanila. Umangat ang tingin ni Shine sa nakababatang kapatid at napansin n'yang seryoso itong nakamasid lang sa kanya. Hindi man lang kumurap-kurap si Sam. Napabuntong hininga si Shine. Tinapik nito ang kama at sinenyasan na lumapit ang kapatid at dito maupo para maipaliwanag ang nangyari. Bagkus hindi ito sumunod at tinitigan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD