Matagal bago ako nakahuma sa nakita ko. Hindi ko alam kung ito ba ang ibig sabihin ng mensahe niya kanina. Dahil kung Oo, hindi nakakatuwa. May pasabi-sabi pa na hanapin ko siya kung sasama ang pakiramdam ko, tapos ito pala ang makikita ko. " Bullshit," parang gusto kong isigaw kay Caleb ang mga katagang iyon. Natulos lang ako sa aking kinatatayuan na para bang nakapako ako rito. Hindi ko mapigilang sundan ng tingin ang galaw ng babae ng lumingkis pa ang kamay nito sa braso ni Caleb. Habang si Caleb naman ay hindi man lang nag-react at hinayaan lang ang babae na kung makakapit ay akala mo ay linta. Sa isip ko pa lang bugbog sarado na si Caleb at ang babae sa akin. Nang umangat ang tingin ni Caleb ay saktong nagkatinginan kami. Pinanlisikan ko ito ng mata at lantarang ipinakita ang