Matagal na hindi nakapag react ang lahat sa naging announcement namin. Ilang saglit pa ang dumaan na katahimikan ng bumukas ang pintuan sa Conference room. Bumungad agad ang mga nagkikislapang kamera ng mga napiling medya ng kapatid ko para mag cover ngayon sa contract signing namin ni Mr. Lim. Bahagyang nagulat ang mga shareholders dahil wala silang kaalam-alam sa ginawa kong ito. " What's the meaning of this, Ms Fernandez!" Bakas sa tono ng boses nito ang pagka-irita dahil sa hindi nito inaasahang pangyayari. Lumapit ang sekretarya ko na si Mrs. Saycon at kasunod nito ay sina Ashley at Trish na halata ang pagkalito. Pero nagpatianod na rin sa nangyari. Habang nakahilera sa gilid ang mg bodyguard ko para magbantay kung may mangyayaring hindi maganda mamaya. Pasimple kong inilibot an