Pagdating nga namin sa venue ay nauna na nga sina Mr. Lim at ang sekretarya nito. Kaya dumiretso na ako sa kanilang pwesto. Matapos kung kuhanin ang folder na pinadala ko kay Sam kanina. " Ate, magdahan-dahan ka at baka mamaya ay patakbo ka namang pumunta roon!" Paalala ng kapatid ko sa akin. Alam ko naman na iyon. Dahil baka ma paano pa ang baby ko kung hindi ako mag-iingat lalo pa at maraming tao ngayon dito sa SM Lanang. Dito kasi ang napili nilang lugar na pagkikitaan namin. Pero sabi sa text ng secretary nito ay naka private naman daw ang venue para hindi masyadong makadisturbo sa iba. Pero hindi naman dahil nakita ko nga sila agad mula sa labasan. Dahil masyado namang transparent ang restaurant kaya sobrang kita talaga. Nasa harapan na ako ni Mr. Lim ng biglang umangat ang tingin