Dahil sa maagang pagtawag ni Caleb ay nahirapan na akong makabalik sa pagtulog. Iniisip ko kasi ang pagkikita namin ng parents n'ya mamayang tanghali. Nagdecide na lang akong bumangon na at bumaba total minsan lang rin naman mangyari na ako ang mauuna na magising. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko ang mga kasambahay namin na busy sa kanilang mga ginagawa. Kaya dumiretso na ako sa kusina at naabutan ko si Nanay Dora na pakanta-kanta pa habang nagluluto. Kaya napatawa ako bigla ng gumiling-giling pa s'ya habang sinabayan ang kanta ni Willie Revillame na "Igiling-giling" yata ang title pero hindi ako sigurado. "Shine hija, gising ka na pala. Kanina ka pa ba r'yan?" tanong niya sa akin ng makita ako sa bungad ng pinto sa kusina. " Ngayon lang po, Nay. Nagising po kasi ako dahil sa pakant