Sa sobrang higpit ng seguridad ay muntikan pa akong hindi payagan na makapasok sa building ng condo ni Caleb. " I'm sorry ma'am, pero bawal po talagang pumasok ang walang access sa condo rito at maging ang mga bisitang walang pahintulot sa pagdalaw! " Hinarang ako ng guard at mahigpit akong pinagbawalan nito na makapasok ng sinabi kong dadalaw ako sa isang kaibigan na isa sa nagmamay-ari ng condo unit dito " Pero, kuya sandali lang po talaga ako. May kailangan lang po akong sabihin sa kanya," Katwiran ko pa sa kanila. Ngunit todo tanggi silang dalawa sa paki-usap ko. Napabuntong-hininga ako. Hindi pwede na uuwi ako ng hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Ayaw ko naman na husgahan ko kaagad si Caleb nang dahil lang sa isang larawan na ipinadala sa akin. Kaya gusto ko s'ya