"Mia," untag rito. Hindi namalayan ni Mia ang luhang sumungaw sa kaniyang mga mata. Lalo na sa sulok ng mga mata ay nakikita ang masayang mukha ng anak habang abala sa nilalaro nito. "Kasalanan ko ito," anas niya. "Sshhhhhhh! Don't say that? Wala kang kasalanan," anang namang ni Fiona. "Sana hindi ako nagmatigas ay hindi siya maaaksidente. Dapat naririto siya, kausap o kalaro ang anak namin. Fiona, ako ang dahilan kung bakit hindi man lang nakilala ni Grace ang ama nito," hagulgol niya. "Mia. Wala kang kasalanan, okay? Aksidente ang lahat. Huwag mong sisihin ang sarili mo," sunod-sunod na saad naman ni Fiona habang hinahamig siya. "Mommy," tinig ng anak niya. Mas lalo pang bumuhos ang luha niya at agad na niyakap ang anak. "Mommy, why you cry?" inosenteng wika. Napakabata pa ng ana