"Huwag! Please!" iyak na sumamo ni Angelique. "No! Nakapagdesisyon na ako at bahala ka na kung ano ang pipiliin mo!" pagmamatigas ni James. Mabilis na lumuhod si Angelique saka mabilis na niyakap ang paa ng lalaking paalis na. "No! Please, James. Hindi ko kaya. Mamatay ako kung may mawala ni isa sa kanila," anito tukoy sa anak at sa asawang si Grae. "At paano ako Angelique? Habang-buhay na makikiamot sa oras at panahon ng anak ko. Ayoko!" giit pa rin ni James saka binaklas ang pagkakayakap ni Angelique sa mga paa niya. "Naiwang nakaluhod si Angelique. Batid niyang tututuhanin ng lalaki ang sinabi nito kaya kailangan niyang makagawa ng paraan. Tumayo si Angelique saka tumalim ang mga titig. Kailangan niyang maunahan ang lalaki bago pa makagawa ito ng bagay na ikasisira ng pamilya niya