Pinarada niya ang kaniyang sasakyan sa labas ng isang malaking restaurant. Namamangha ako sa laki nito pero hindi ko pinahalata at baka mamaya ibenta pa niya ako kapag napansin niyang ignorante ako.
May sumalubong sa amin na isang waitress. Ngumiti siya kay . . . Ano na ba ang pangalan niya? Hindi ko pala natanong. Nginitian niya ang lalakeng kasama ko, pero hindi man lang niya ako nginitian.
"Teka. . ." Pigil ko sa lalake nang lagpasan namin ang mga mesa. Sa halip ay sumakay kami sa elevator.
"What?" Tanong niya. Tinuro ko ang kainan.
"May tables sa taas, mas maganda doon para may privacy tayo." Tumango na lang ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang kumuha ng pribadong silid para kumain.
"I want—
Pinutol ko ang kaniyang sinasabi. "Mamaya na pagkatapos kong kumain," sabi ko sa kaniya. "Walang laman ang tiyan ko kaya hindi gumagana ang aking utak."
Pumalatak siya at umiling-iling.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong niya.
"Maya. Ikaw?"
"Rodney."
Tumango ako. "Ilang taon ka na?" tanong ko naman.
"Twenty nine."
"Twenty nine ka na pero wala ka pang asawa?"
Umiling siya. Nang i-serve ang pagkain sinimulan ko itong lantakan.
"Sige magsalita ka na habang kumakain ako," utos ko sa kaniya.
"Para makuha ko ang mana ko kay Lola, kailangan ko ng babae na magpapanggap bilang girlfriend ko."
Pinagmasdan ko siya habang ngumunguya ako.
"Wala kang girlfriend?" Umiling siya. "Bakit? Bakla ka ba?"
"I'm straight. Wala lang sa priority ko ngayon ang magka-girlfriend."
"Okay. Ano ang kailangan kong gawin kung ganoon?"
"Kailangan mo akong samahan kapag ganiyan na may lakad ako. Kapag imi-meet ko si Lola kailangan nandun ka."
"Iyon lang?"
"Yes."
"Eh, hanggang kailan ako magpapanggap na nobya mo?"
"Kapag binigay na niya sa akin ang mana."
"Sige payag na ako pero dapat may rules tayo."
"What rules?"
"Bawal mag-kiss, bawal ang—
"May magkasintahan ba na hindi naghahalikan?"
"Meron, kami ng boyfriend ko—este ex na pala."
"Kaya ka naman pala niloko, e. Halik lang ipagdadamot mo pa."
Inismiran ko siya. Pakialamero.
"Sige, puwede kiss kung kinakailangan. Pero smack lang. Payag ako. Pero may bayad bawat kiss."
"What?" Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"First kiss ko iyon, e. Buti sana kung boyfriend kita, ayos lang. Ibibigay ko sa'yo ng libre ang halik ko. Saka mana mo ang nakasalalay sa pagpapanggap natin, ako buong pagkatao ko ang nakasalalay dito."
"Fine!" naiinip niyang sagot.
Ngumisi naman ako. "Okay, gagawa ako ng listahan ng ibang rules natin."
"Do what you want."
.
.
"Busog na busog ako!" Hinimas-himas ko ang tiyan ko. Madami pang natitra sa mga inorder niyang pagkain pero hindi ko na talaga kayang ubusin.
"Ipabalot na lang natin," sabi ko pero umiling siya.
"No. Let's go."
"Sayang naman ang pagkain."
"Behave. Nakakahiya ka," sabi nya.
Paano ako naging nakakahiya? Nanghihinayang lang naman ako sa mga pagkain.
Hayaan mo na nga lang. Iba talaga kapag mga mayayaman. Masyadong aksayado. Sabagay, pera naman nila iyon.
Sumakay ulit kami sa kaniyang sasakyan. Sabi niya isasama daw niya ako sa kaniyang condo.
"Ilan ang kuwarto sa condo mo?" tanong ko sa kaniya.
"Four."
"Wow! Ang laki ng condo mo kung ganoon." Alam ko naman kung ano ang condo, may tv at internet naman sa amin kaya hindi ako ganoon ka-ignorante.
"Sino ang kasama mo doon?"
"Ako lang."
"Wala kang katulong?"
"Wala."
Ang tipid ng sagot. Halatang ayaw na niya akong kausapin.
Nanahimik na lang ako buong byahe. Pagkaraan ng kulang tatlumpong minuto nakarating kami sa kaniyang condo.
Tinuro niya ang isang pintuan. Sabi niya ito daw ang magiging silid ko.
Ang laki ng silid ko. May malaking kama at napakakapal pa ng kutson. May malaking bintana. Mayroon ding malaking cabinet at sofa sa gilid.
May isa pa itong pinto na mayroong napakalawak na banyo. May bath tub at shower.
Grabe ang yaman pala niya kung ganoon.
Sabagay, tagapagmana ba naman, e.
Naligo muna ako. Matapos kong magbihis nahiga na ako sa malambot na kama.
Napatulala ako sa kisame hanggang sa muling manubig ang aking mga mata dahil naalala ko na naman ang nangyari.
Naglayas ako para makasama ko si Riley tapos ganoon ang madadatnan ko.
"Sorry po, Nay, Tay. Pero pangako po, magpapadala ako ng pera kapag sumahod ako dito para patunayan na kaya ko ng maghanap buhay."
Iniisip kasi nila na bata pa ako. Ganoon sila.
.
.
Alas-siete na ng umaga. Iidlip na muna siguro ako para kahit paano gumaan ang aking ulo.
Nagising ako bandang alas-onse ng tanghali.
Nagmumog muna ako sa banyo at baka amoy kanal na ang aking bunganga.
Naupo ako saglit sa sofa sa may sala habang nililibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
"Buti gising ka na," Sabi ko kay Rodney nang lumabas siya mula sa kaniyang silid.
Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Nagugutom na ako," sabi ko sa kaniya.
"Na naman?"
"Ano'ng na naman? Hindi ba tatlong beses ang kain niyong mayayaman?"
"Pang-apat na kainan na ang kinain mo kanina sa restaurant," sagot niya.
"Nagugutom pa nga ako."
"Magluto ka doon sa kusina. Alangan na ako pa ang magluluto ng kakainin mo. Ano ka senyorita?"
"Aba! Ang sungit huh."
Nagpunta ako ng kusina at agad kong binuksan ang kaniyang refrigerator.
"Ano'ng lulutuin ko dito? Puro tubig at alak lang ang laman. Kahit itlog, wala."
Hinalughog ko din ang mga cabinet pero wala akong nakita na makakain.
"Rodney wala namang makain sa ku—
Natigil ako nang makita ko ang may edad na babae na nakaupo sa sofa katabi ni Rodney.
Naglipat-lipat ng tingin ang ginang sa akin at kay Rodney.
Nanatili naman akong nakatayo, titig na titig kay Rodney na may sinesenyas pero hindi ko ma-gets.
"Who is this young lady here?" nakangiting tanong ng ginang.
Tumikhim si Rodney. "She's Maya, Lola. My girlfriend."
Nanlaki ang aking mga mata. Lola niya? Siya iyong tinutukoy niya?
"Hello po, Lola!" Lumapit ako sa matanda upang magmano.
Mahina siyang tumawa. Para bang kinilig siya sa aking ginawa.
"God bless you," sabi niya sa akin.
Naupo ako sa tabi ni Rodney. Dikit na dikit para convincing na mag-syota talaga kami.
"Maganda pala ang timing ng pagpunta ko dito," sabi ng Ginang. Nakangiti lang naman ako.
"Pupuntahan ka palang sana namin sa bahay mo, La. Kararating lang ni Maya kanina dito. Pinagpahinga ko muna, at syempre gusto ko din muna siyang masolo."
"Solo-solo. Kasal muna bago iyan," sagot ni lola na kinalaki ng mga mata ko.
Bahagya kong sinanggi si Rodney. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Pero nginitian lang niya ako sabay akbay.
"Wala pa po sa plano namin ang kasal, La," sabi ni Rodney. Matamis niya akong nginitian. Ang mga mata ay napakalambing kung tumingin sa akin.
Ang galing umarte!
"Hindi ka na pabata, Rodney. Twenty nine ka na. Kailangan mo ng magkaroon ng anak."
"Anak?!" gulat kong tanong.
"Oo, wala pa ba?" nakangiting tanong sa akin ni Lola.
"V-Virgin pa po ako, Lola. Hindi pa po naisuko ang Bataan."
Tinawanan niya ako. "Really?" Tinignan din niya ang kaniyang apo.
Nagkamot ng ulo si Rodney. "Opo, Lola. Nirerespeto ko siya kaya wala pa pong nangyayari sa amin. Kasal muna."
Para akong kinikilabutan kapag naririnig ko sa maglola ang tungkol sa kasal.
"Ano pa ang ginagawa niyo? Magpakasal na kayo!"