Chapter nine Pagpasok palang ni Wendy sa loob ng Hoffman's hotel pinag titinginan na siya ng mga tao. Mas naiilang tuloy siya sa bagong outfit niya dahil sa mga ito Madaming lalaki ang napapatingin sa kanyang makinis na balikat at maputing legs Dahan dahan lang siya nag lalakad dahil unti unti na sumasakit ang kanyang paa sa high heels na binili ni lolita para sakanya. Tiis ganda. Napangiti siya dahil nakatangap siya ng text kay carlita na totoo daw ang kanilang house and lot na premyo. from carlita ATE MAY BAHAY NA TAYO. FOR REAL! NANDITO KAMI NILA MAMA NGAYON. Pwede na daw maglipat bahay bukas! Hindi niya mapigilan mapatalon ng mag isa nalang siya sa elevator. "Yahooo! May bahay na kami--Aw" Napaupo siya sa elevator dahil natapilok siya sa sobrang lakas ng kanyang pagtalon