Chapter 15 Walang kibo si Wendy pagdating nila ni Jared sa loob ng Condo unit nito. Dinala siya nito sa Condo nito pagkatapos siyang sunduin sa monopoly bar. Mula sa kotse ni Jared pinili nalang ni Wendy ang tumahimik "What are you thinking? Bakit ka nag lasing?" halata ang galit sa boses ni Jared Hindi siya kumibo Nakaupo lang siya sa sofa nito habang nakayuko. Ayaw niyang kausapin si Jared. Kahit papano nahimasmasan na ang kanyang kalasingan. Kaya nakakapag isip na siya ng tama. "Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko sayo? I'm so worried" mahinahon na nitong tanong sakanya at nilapitan siya nito. Tinabig niya ang kamay ni Jared ng tangkain nitong hawakan ang kanyang mukha "T..Tigilan na natin to jared" "Tigilan? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? hindi pa nga tayo tumat