Chapter seven Hindi maintindihan ni Wendy kung bakit naiinis siya. Dahil maagang umalis ang Boss Jared nila dahil lang tumawag si veronica kaninang umaga Sino ba kasi yung veronica na yun? "Bakit nakasimangot ka? Uwian na dapat masaya ka na dahil its shopping time!" Napatingin si Wendy kay lolita dahil bigla nalang itong pumasok sa loob ng kanyang private room "Uwian na ba?" walang gana niyang tanong "Ay Opo. Unless gusto mo pang mag-over time? Nakalimutan mo na ata mag shopping tayo diba?" Maarte nitong tanong sakanya habang pinapaikot ikot nito ang buhok sa daliri. "Hmm Sige tara.." Malungkot padin siya habang nililigpit ang kanyang mga trabaho Nasa taxi na sila ng mapansin ni Lolita na malungkot siya "Girlaloo. Why yours so so sad?" Tanong nito "Hmm wala.. May iniisip lang.."