"Anak mag iingat ka padin diyan sa Sally na yan. Mukhang hindi ako naniniwalang mabait na yan" Napangiti si wendy sa sinabi ng kanyang Mama neneng. Nasa mansyon ito ngayon dahil dinalaw sila nito. Nandito din si Mengay at carlita "Oo nga ate ayokong maniwalang mabait na yan. Mukha siya aso na nauulol--" "Mengay ang bibig mo" pagalit ng kanyang mama neneng kay mengay sa pagiging taklesa nito Kasalukuyan silang nasa Living room ng Mansyon at nanunuod sila ng netflix. Sunday ngayon kaya movie marathon ang kanilang naisipan gawin. At mamayang hapon magsisimba sila sa Divine mercy chapel na malapit sa mansyon "Anu ba kayo. Give chance naman. Mukhang mabait na yan si Sally. Simula ng mag sorry siya samin ni Jared hindi na niya kami ginulo--" "Ate tatlong araw palang ang nakakalipas! Tigna