"NASAAN KAMO?!" Halos mahimatay ang body guard ni Jared sa mansyon ng magpakita si wendy. "W..Wa..Wa..la po s..si B..Boss! N..Nasa simbahan p..po k..ka.sal nila n..ngayon" Utal utal nitong sagot sakanya. Halos umusok naman ang ilong ni Wendy sa body guard ni Jared. "Ikaw Bentong kapag pinagbibiro mo ako malilintikan ka sakin! Nasaan nga ang asawa ko?" Hinawakan niya pa ito sa kwelyo kahit mas matangakad ito sakanya Putlang putla naman ito at labis na natakot "M..Ma'am b..buhay po ba.. K..kayo o multo?" Nanginginig pa ang baba ni bentong habang nakatingin ito sakanya "May multo bang ganito kaganda ha? Buhay ako bentong! Ang laki laki mong tao takot ka sa multo? At isa pa tignan mo nga yung sikat ng araw may multo bang nagpaparamdam ng ganito kainit?" "N..Nama..Namatay na..PATAY K