Kasing lakas ng kulog sa labas ng coffee shop ang puso ni Wendy habang hinihintay niya si Veronica. Kakalabas niya lang sa kanyang trabaho. Nangako kasi siya kay veronica na makikipag kita siya dito after office work. Nakaka-ilang dasal na siya na sana hindi pa sila nito nabubuko Napa-aga ang kanyang pagdating sa coffee shop dahil walking distance lang ang layo ng coffee shop sa Hoffman's Hotel. Alas siete ng gabi pa sila magkikita ngunit alas-sais bente palang. May panahon pa para mag rosary. Huhu Lord patawarin mo po ako. Nag mahal lang po ako. Napabuntong hininga siya. Maya maya pa naalala niyang tawagan si Jared. Ngunit hindi niya mahanap ang kanyang cellphone Nasan yung cellphone ko? Hinalukay na niya ang loob ng kanyang bag ngunit wala doon ang kanyang cellphone. Inisip niya