Chapter 22 Today was different... Pakiramdam niya walang kagana-gana ang kanyang katawan. Para siyang nanlalata.. Nanghihina.. Daig niya pa ang may sakit. Sabagay masakit naman talaga dahil buong gabi niya hinintay ang tawag ni Jared kahit man lang sana itext siya nito. Ngunit napuyat lamang siya kakahintay. Naubos na siguro ang lakas niya dahil sa walang tigil niyang pag iyak Sobrang nasasaktan kasi siya. Akala niya mahal na siya nitong muli at handa na siya nitong ligawan Akala niya napasaya niya ito kahapon. Akala niya naging masaya ito sa kanilang first date ngunit nagkamali siya dahil kinalimutan agad siya nito nang malaman nitong nasa panganib ang buhay ni Veronica. First and last date na siguro nila yun? Hindi niya pa namumulat ang kanyang mga mata naluluha na agad siya. Tu