"Angel! Where the hell do you think you're going?!" Napahinto ako mula sa aking paglalakad dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni Nick mula sa aking likuran. Kasalukuyan na kaming nasa labas ng hotel at napapatingin na sa amin ang ilang taong dumaraan. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya at hindi ko magawang kumilos. Nararamdaman ko ang panginginig ng aking katawan. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako mula sa aking kinatatayuan at tila lalabas ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagkabog nito. Pero kailangan kong magpakatatag na harapin siya. Gusto ko ng malinawan ang lahat. Gusto ko ng katahimikan. Ayoko na ng ganitong pakiramdam. Nahihirapan na ako! Inipon ko ang lahat ng aking tapang upang harapin siya at salubungin ang nakatutunaw niyang mga titig. Ang nang-uusig niy

