LYKA DALA siguro ng roller coaster na biyahe ko sa taxi kanina kaya nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Nakatulog tuloy agad ako nang umayos ako ng higa sa kama. Idagdag pa ang malamig na panahon. Nagtalukbong na lang din ako ng comforter para hindi ko gaanong marinig at maramdaman ang kulog at kidlat sa labas. Hindi na nga ako nakalabas ng kuwarto katulad ng inutos sa akin ni Uncle Verex. I-in-lock ko rin ang pinto. Naisip ko kasi na baka lumabas siya kaya pinapasara niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulog nang maalimpungatan ako sa napakalakas na kulog at sinabayan pa ng matalim na kidlat. Tila may tinamaan yata. Bumangon ako at bumaba ng kama. Napayakap ako sa aking sarili nang biglang lumamig ang paligid dahil sa malakas na hangin. Hindi ko na nga bi