FRITZ SA sobrang pagkatulala ko sa magandang babae, hindi ko namalayan na lumagpas na pala siya sa akin. Saka lang ako nahimasmasan nang makaramdam ako ng panghihinayang na pinalampas ko siya na hindi man lang kami nagkakilala. Pero paano naman kami magkakilala kung hindi naman siya lumapit sa akin o kahit magpapansin man lang? Alangan naman na ako ang magpi-first move. Never pa nangyari na nakuha ko ang isang babae na ako ang unang gumawa ng paraan. Mas sanay ako na ako ang nilalapitan. Marami ang nagkakandarapa na mapansin ko para sayangin lang ang aking oras sa mga babaeng ini-snob ako. “Well, wala pang babae, kahit isa, ang nang-snob sa isang Fritz Camacho,” pagmamalaki ko sa aking sarili. Ngumisi ako ngunit natigilan din kapagkuwan. Oo nga. Kalimitan, halos lahat ng babae rito sa