STELLA ISANG BUWAN pa uli ang mabilis na lumipas. At sa bawat araw na magkasama kami ni Fritz ay lalo lang kaming napapamahal sa isa’t isa. We both know na hindi na namin kakayanin na malayo pa sa isa’t isa. Kaya iniingatan namin na malaman na naman ni Daddy ang tungkol sa amin. Though, mukhang hindi naman na siya naghihinala. Dahil never na niyang nabanggit uli ang tungkol kay Fritz. Pero alam ko sa sarili ko na handa kong ipaglaban ang boyfriend ko kahit ano man ang mangyari. Yes, I love my father so much. But I love Fitz, too. Siya lang ang nakakapagpapasaya sa akin nang ganito. Wala na akong nakikitang ibang lalaki na gusto kong pakasalan at makasama forever, maliban sa kaniya. Kadarating ko lang sa bahay galing sa date namin ni Fritz. Inabot kami ng nine PM kasi nanood pa kami ng

