LYKA TILA gusto nga lang talaga ni Pablo na makita niya kami ng kaniyang ama na okay at hindi na maghihiwalay. Dahil pagkalabas pa lang namin ng ospital ay sobrang saya at sigla niya na parang walang nangyari. Lalo na nang dumating kami sa bahay na hindi na niya naabutan si Fritz. Kitang-kita namin kung paano mas sumigla pa ang aming anak. Sinabi na kasi namin ni Verex sa kaniya ang mga naging desisyon namin para hindi na maulit ang nangyari kanina. Magdamag na naglambing sa amin si Pablo nang makarating kami sa bahay. Hiniling niya na sama-sama kaming matulog na tatlo kaya hindi nangyari ang mainit na balak naming mag-asawa. Gayon man ay wala pa ring pagsidlan ng saya ang aming mga puso dahil muli kaming nabuo at batid namin na hindi na kami magkakalayo pa sa isa’t isa. Pati kinabukas