VEREX “WHAT?” tanong ko kay Stella sa pag-aakalang nabibingi lamang ako sa narinig ko mula sa kaniya nang tawagan niya ako. Actually, naunahan lang niya ako. Balak ko rin talaga na tawagan siya agad sa oras na nakita ko ang pagdating ni Fritz. “Ang sabi ko, alam na ni Fritz na kasal pa rin kayo ni Lyka. And I’m so sorry. Hindi ko napigilang sabihin sa kaniya ang totoo, uncle.” “Ano?” Marahas na napabuntong-hininga na lamang ako. Wala rin namang mangyayari kung pagagalitan ko siya. Worried lang ako kay Lyka. Ni hindi ko nga magawang magdiwang dahil baka pati sa akin ay magalit siya. “Kung gano’n, ano ang dahilan ng pag-uwi niya rito?” Hindi ako tsismosong tao. Pero sa pagkatataong ito, interesado ako sa biglang pag-uwi ni Fritz. Samantalang parang wala namang nabanggit sa akin si Lyka n