LYKA HINDI ko napigilan ang mapaungol nang maramdaman ko ang marahas na pagtugon sa akin ni Verex. Ang buong akala ko ay pipigilan niya ako sa aking kapangahasan. Ngunit sa halip ay damang-dama ko ang kaniyang pananabik sa bawat pagsakop niya sa aking mga labi. Hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba itong aking nararamdaman ngayon habang magkalapat ang aming mga labi ng aking asawa. Ibang-iba kaysa noong huli niyang inangkin ang aking mga labi noong nasa Maynila pa lamang kami. May takot at pangamba sa aking puso. Pero ngayon, ang bilis kong magpadarang sa init ng kaniyang mga halik. Nakalimutan ko sa eksena si Fritz. Nawala na sa aking isipan ang pangako ko sa aking sarili na hindi na siya lolokohin pa. Hindi ko na rin inisip pa ang sinabi ko kay Verex noon na hindi na ako muling m