LYKA HANGGANG gabi akong naghintay sa pagbabalik ni Verex. Hindi ako tumigil sa pagtawag sa kaniya kahit pa nga nakapatay na ang kaniyang cellphone. Umiiyak na ako sa pag-aalala kung bakit bigla na naman siyang nagalit at umalis. Kahit anong kalkal ko sa aking isipan ay wala akong maisip na dahilan. Napakasaya lang namin kanina. Sa kabila niyon ay hindi ko pa rin napigilan ang aking sarili na gamitin ang mga pregnancy test na pinabili ko kay Neneng. Nakalimutan ko nga lang itanong sa kaniya kung naitapon ba niya sa malayo ang mga contraceptive pills. Daig ko pa ang nanalo sa lotto at nabawasan ang aking pag-aalala sa asawa ko nang makitang pare-parehong ‘positive’ anag result na inilabas ng tatlong pregnancy test. Tinatlo ko talaga para makasiguro. Lalo akong hindi mapakali sa paghihin