GOMER Nagulat ako sa aking nakita, ito ang mga batang lunapit sa akin noong nakaraang araw, bakit kasama ito nila mommy at daddy, at mismo pa rito sa bahay ang kuhang 'to. Sino ba ang mga batang 'to? "Mom, sino ang mga batang kasama n'yo sa picture?" tanong ko kay Mommy. "A 'yan ba, mga anak mo." sagot kaagad sa akin ni mommy. "Ha? mga anak ko?" gulat kong tanong kay mommy. "Seyempre joke lang, kailan ka ba nagkaroon ng anak?" taas kilay na sabi ni mommy. "Mom, nagtatanong po ako ng maayos." sabi ko kay mommy. "Bakit sa tingin mo sino ba mga 'yan?" balik tanong sa akin ni mommy. "Nakita ko kasi sila noong isang araw, at binuhat ko sila, humalik pa nga sa akin." sabi ko kay mommy. Naalala ko na naman ang mainit na yakap nila sa akin, na parang tunay kong mga anak. "Ha saan?" gulat

