c11 ETERNITY Nagulat ako sa kanyang ginawa. Napaawang ang aking bibig para magsalita ngunit sinakop na niya ito. Kahit amoy alak siya ay amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga. Pero mali ito! As in mali. Inipon ko ang aking lakas para itulak siya at nagtagumpay naman. Tumakbo ako palayo sa kanya. Mabilis kong narating ang kwarto ko at kaagad na pumasok. Kaagad akong tumakbo sa banyo at nag-toothbrush para mawala ang laway niya sa bibig ko. Bakit kay lakas ng pintig ng aking dibdib? Nakiramdam ako sa aking paligid baka bigla niya akong pasukin dito. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin bukas o baka gaya noong isang gabi na parang wala lang sa kanya. Sana magka-amnesia na lang siya. Kinabukas, ganoon pa rin ang set up namin. Nakayuko akong naghihintay sa kanya sa baba. Pa