Chapter 3

1782 Words
(Eternity) Paglabas ko sa airport ay kaagad akong sumakay ng taxi, para puntahan si Daddy sa hospital na sinabi ng katiwala niya. Hindi na ako nagpasundo pa. Kaagad akong narating ng hospital kung saan nakaratay si Daddy. Sinalubong ako ni James na siyang pinagkatiwalaan ni Daddy. "James, ang Daddy kumusta?" kaagad kong tanong. "Ma'am, malubha po ang daddy ninyo, at kakailanganin natin ng malaking halaga para magamot siya," malungkot na sagot ni James. "Gawin ninyo lahat, magbabayad kami," ani ko. Handa kong gawin ang lahat mailigtas lang si Daddy. "Ma'am, wala na tayong pondo, kaya nagkaganito ang iyong ama ay hindi nito kinaya ang lahat. Nagwelga na ang mga tao at lahat ng mga share sa kumpanya ninyo ay binabawi na nila lahat. In short lubog na sa utang ang buong kumpanya ninyo," mahabang paliwanag ni James. "Ano!" gulat at hindi ako makapaniwala sa narinig. Pinaliwanag niya ulit sa akin ang mga nangyari. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa nalaman. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa paligid ko. Inilihim lahat ni Daddy sa akin para maibigay lahat ng gusto ko. Nakita ko si Mommy na paparating. Kaagad ko naman siyang sinalubong. Niyakap ko siya nang mahigpit. Parehas na kaming napahagulhol ng iyak. "Mom, I'm sorry. Kasalanan ko po ang lahat. Wala po akong kaalam-alam sa nangyayari. Hindi ko man lang kayo natulungan ni Daddy," sabi ko habang umiiyak pa rin. "Wala kang kasalanan anak. Huwag mong sisihin ang sarili mo," pang-aalo sa akin ni Mommy. "Mom, pinapangako ko na sa pagkakataong ito ako naman ang tutulong sa inyo ni Daddy," lakas loob na sabi ko kay Mommy. --- Kinabukasan, pumunta ako sa hotel. Marami na akon nadatnan na nagwewelga para sa kanilang mga sahod. Nagpaliwanag ako sa mga ito na bigyan pa ako ng dalawang linggo para maibigay ko ang kanilang hinihingi. Pumayag naman ang mga ito basta siguraduhin ko lang daw na maibigay sa tamang araw na sinabi ko. "Kailangan na naming bawiin ang aming share sa kumpanya ninyo. Kung wala kang maibigay sa amin pwede mong ibenta ang ibang mga properties ninyo!" galit na sabi ng mga ito. "Please, dalawang linggo lang maaayos ko na ang lahat ng ito," pakiusap ko sa mga ito. Pero kagabi pa ako nababaliw kaiisip kung saan ako kukuha nang malaking pera, para sa mga pinangakuan ko. Kailangan nang malaking halaga para sa pagpapagamot ni Daddy. Nilapitan ko na ang lahat ng kilala ng pamilya namin ngunit ni isa ay walang tumulong sa amin. Mabuti na lang at pinagbigyan ako ng mga nagwewelga sa pakiusap ko. Nakakalungkot at nakakapanghina dahil ang mga taong inakala kong tutulong sa amin, ay hindi man lang kami magawang lingunin. Parang gusto ko na lang sumuko. Napapagod na rin akong magmakaawa pagkatapos ay babalewalain lang din. --- (Gomer) "Boss, gaya nang sinabi ko wala ni isang tumulong sa kanila. Balita ko pati ang anak nito ay lumapit na rin sa kahit sino, pero walang tumulong sa kanya at nagbigay lang ito ng dalawang linggong palugit para maibigay ang mga hinihiling ng ng mga tauhan nila at ang mga share holder," mahabang sabi ni Jake. "Good. Ihanda mo lahat ng kailangan nila at ipadala mo sa kanila ang mensahe ko," utos ko kay Jake. Kaagad naman itong sumunod at pinuntahan ang kumpanya nila Eternity. ---- (Eternity) Tulala pa rin ako sa kawalan. Hindi ko pa rin alam kung paano ko maayos ang lahat. Ayaw kong mawala ang properties namin na itinaguyod ng mga magulang ko. Mula noong bata pa ako ay nakita jo na kung paano inalagaan ng mga magulang ko ang negosyo namin. Pinapangako kong gagawin ang lahat para muling bumalik ang negosyo namin kahit pa maghirap ako ay titiisin ko. Nasa ganoong pagmumuni-muni ako nang may narinig akong isang katok. "Come in," tangging nasabi ko. "Ma'am, may gustong kumausap sa inyo," ani James. Hinarap ko naman Eternity ang tinutukoy ni James. Tiningnan ko muna si James na parang nagtatanong kung sino ang lalaking iyon. "Yes, anong kailangan ninyo?" tanong ko kaagad. Nilapag niya ang isang folder sa harapan ko. Kinuha ko naman iyon at binuklat. "Basahin po ninyong mabuti ang nilalaman ng folder na iyan. Nariyan na lahat ng kailangan ninyo at ang mga condition kapag pumayag kayo sa lahat ng nilalaman niyan." Masaya na sana ako sa nabasa dahil ito na ang sagot sa lahat. Ngunit bigla ko itong binitiwan nang mabasa ko ang mga condition sa huli. "Maari ko bang malaman kung sino ang boss mo?" kunot-noong tanong ko sa lalake. "Sorry, Ma'am. Malalaman at makikilala po ninyo siya kung papayag kayo sa lahat ng nasa loob ng folder na iyan," magalang niyang sagot. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. May nag-uudyok sa isipan ko na sundin na lang. Meron ding nagsasabi na huwag kong gawin. "Pag-iisipan ko," ang tanging nasabi ko. "Kayo po ang bahala. Nasa ibaba po ang contact number ko. Anytime ay pwede ninyo akong tawagan. At huwag na po ninyong patagalin, baka mainip ang boss ko. Alam naming kailangan na ninyong maisalba ang mga property ninyo bago mahuli ang lahat," ani niya saka siya nagpaalam. --- Dala-dala ko ang papers na iyon hanggang sa pag-uwi. Ilang beses ko ring binasa ito. Buo na ang desisyon kong tatanggapin ang lahat ng condition. Una, mapadala si Daddy sa ibang bansa para gumaling siya at kasama si Mommy. Maiiwan ako para sa misyon na gagawin. Itataya ko ang sarili ko para sa mga magulang ko at sa buong negosyo namin. Kaagad akong tumawag sa number na nakalagay sa ibaba ng papeles. Humingi ito ng appointment para makausap ang boss nila, at bukas na bukas din ay magkikita na kami. --- (Gomer) "Boss, pumayag na ang nag-iisang anak nila sa lahat ng nakasaad sa binigay nating condition," ani Jake. "Mabuti naman, wala ng ibang tutulong sa kanila kundi tayo lang," sagot ko. --- (Eternity) Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nag-ayos ako at simpleng damit lang ang suot ko. Ang laki ng pinayat ko mula noong bumagsak ang negosyo namin. Napabuntonghininga na lang ako. "Kaya mo iyan Eternity!" bigkas ko sabay pakawala nang malalim na hininga sa harap ng salamin. Gamit ko ang kotse ko papunta sa lugar kung saan kami magkikita ng sinasabing tutulong sa amin. Nakarating kaagad ako dahil wala namang traffic. Sinalubong ako ng lalakeng pumunta sa office ko nang makita niya ako. "Hi, this way," sabay turo niya sa isang vip table at nakita ko ang taong kakausapin ko. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Habang papalapit ako ay kinakabahan ako na parang ayaw ko na lang tumuloy pa. Pero para kay Daddy at sa kumpanya namin, tataya ako. Lalaban ako. "Hi," bati ko sa lalaki. "Hello," seryosong sagot nito. Nagulat naman ako nang masilayan ko ang mukha ng kaharap. "Ikaw?" kunot-noong tanong ko. "Yes, ako nga. Buti naalala mo pa ako," seryosong sagot ulit nito. "Bakit alam mo ang nangyayari sa negosyo namin?" diretso kong tanong sa kanya. "Bata ka pa nga, wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid mo," sagot niya naman. "Kahit wala akong alam masyado, pero may alam ako kahit kaunti," pagtatanggol ko sa sarili. "Hindi ako naparito para magpalitan tayo ng tanong at sagot. Importante sa akin ang minuto ko," mariin niyang sabi. "Bakit mo gustong tulungan ang pamilya ko at sobra naman yata ang condition na hinihingi ninyo?" kuryso kong tanong. "Jake, tara," sabi niya sabay tayo. "Wait, okay fine. Papayag na ako sa lahat ng gusto mo. Basta lahat ng nakasaad sa loob nito..." sabi ko sabay turo sa papel, "Ay tutuparin mo. Papayag akong maging alipin mo, at gawin lahat ng gusto mo na hindi labag sa kalooban ko. Isalba mo lang ang buong properties namin at mapagaling ang ama ko." Wala na akong magawa pa. Nabibilang na lang ang araw na binigay sa akin ng mga tauhan namin. "Gaya nang sinabi ko sa loob niyan, ay gagawin ko. Mananatiling stable ang takbo ng kumpanya mo sa tulong ko. Ipapadala ko ang ama mo sa ibang bansa na wala kang alalahanin pa. Basta maging alipin kita sa loob ng anim na buwan," mariin niya pa ring sabi. "Kailangan ba talagang sa bahay mo ako titira?" ulit kong tanong. "Yes!" sagot niya naman. " May mga trabaho akong inuuwi sa gabi kaya kailangan kita." "Okay, deal," ani ko. Ito na yata ang pinakamalaking desisyon ko sa tanang buhay ko. Para sa pamilya ay gagawin ko. "By the way, I'm Gomer Pyle and sign it!" utos niya. Hindi na ako nagdadalawang-isip pa at kaagad kong pinirmahan ang kontrata na nasa harapan ko. "Bukas na bukas, aasikasuhin na nila una ang iyong ama," ani Gomer. "Salamat," nasabi ko na lang. "Humanda ka na, may dalawang araw ka pang malaya bago ka mag-umpisang magtrabaho sa akin. Si Jake na bahala sayong sumundo papunta sa babay ko. Ayaw na ayaw ko ang maraming gamit na dadalhin mo sa pamamahay ko, ayaw ko ng mga basura," bilin ni Gomer saka sila umalis. Naiwan ako. Parang gusto kong umiyak nang umiyak sa mga oras na ito. Paano nga ba ako mag-uumpisa sa ganoong trabaho? Makakaya ko kaya? Dahil sa koneksyon ni Gomer ay maayos na nailipat si Daddy sakay ang isang private plane ng pamilya nila Gomer. Kasamang aalis si Mommy. Nagpaiwan ako para sa kumpanya namin. Hindi ko na sinabi kay Mommy ang pagtitiis ko. Gagawin ko ang lahat, maayos at maibalik lang ang lahat sa amin. At bukas na ang simula ng kalbaryo nang tahimik kong buhay sa kamay ng taong hindi ko kilala. Namangha ako sa laki ng bahay ni Gomer, at napakaganda nito halatang mayaman nga ito. May tatlong guard itong nakabantay sa may malaking gate nila. "Pasok ka," ani Jake. Sumunod naman si ako sa kanya. "Salamat." Sumunod lang ako kay Jake. Paakyat kami sa mahabang hagdan ng bahay na parang isa ng palasyo. Parang nakakatakot galawin ang mga bagay sa loob. Mayaman kami pero parang malayo sa yaman namin ito. "Ito ang magiging room mo. Ayusin mo na ang mga gamit mo. Kung may kailangan ka at hindi mo alam tawagan mo lang ako," bilin ni Jake sa akin saka na niya ako iniwan. Nilibot ko naman kaagad ang mga mata ko sa paligid. Ang laki ng room na ito para sa akin. Ang buong akala ko ay sa maid quarters ako titira pero mali pala ako. Matapos. kong maayos ni ang mga gamit ko ay naupo muna ako sa kama. Dala ko rin ang isang frame na larawan naming magpamilya. ---- (Gomer) "Sir, nasa silid na po siya naihatid ko na po," ani Jake sa akin nang makapasok siya rito study room. "Ok ako nang bahala," sagot ko naman sabay pakawala ng malademonyong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD