ETERNITY Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko na girlfriend ang kanyang sinabi? Ito ba ang ibig niyang sabihin kanina na sumang-ayon ako sa kanyang mga sasabihin? Hindi ako na-inform na ganito pala ang mangyayari kung bakit niya ako sinama rito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "What? Girlfriend mo siya?" gulat na tanong ng babae. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kahit pa baliktarin niya ang kinatatayuan ko ay malayong lamang ang kagandahan ko sa kanya. "Bakit hindi ba kapani-paniwala?" tanong ni Mr. Pyle sa babaeng kaharap. "Gomer, naman. Sigurado ka na ba sa babaeng iyan?" taas kilay na tumingin sa akin ang babae habang tinatanong si Mr. Pyle. "Yes, I'm sure," kaagad na sagot ni Mr. Pyle. Para lang akong tanga rito na nakikinig sa k