GOMER Naglapat ang aming mga labi na parang parehas kaming uhaw na uhaw sa isa't isa. Hindi siya pumalag sa ginawa ko. Nanatiling magkahinang ang aming mga labi. Parehas kaming napapikit at ninamnam ang bawat dampi ng aming mga labi. Ramdam ko na gumaganti si Eternity sa aking halik. Mga ilang minuto rin ang nakalipas nang bigla niya akong tinulak. "Bakit mo ako hinalikan?" gulat na tanong sa akin ni Eternity. "Bakit bawal?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Ngayon kilala mo na ako?" kunot noong tanong niya sa akin. "Parang." pang-iinis kong sagot sa kanya. "Niluluko mo lang pala ako?" inis niya sabi sa akin. "Kailan ba kita niluko?" tanong ko sa kanya. "Eh bakit sabi mo hindi mo ako kilala, naaalala?" inis niyang tanong na parang bata. "Siguro sa mainit mong halik, kaya naalala