ETERNITY "Demonyo ka!" malakas kong sigaw ulit kay Mr. Pyle. "Ano bang pinagsasabi mo?" kunwaring tanong niya sa akin. "Huwag na huwag ka ang magmaang-maangan pa, dahil alam ko na kunh bakit mo ako pinapahirapan, at kunwari tinutulungan mo kami!" galit na galit kong sigaw sa kanya. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" sigaw ni Mr. Pyle sa akin. "Sige, huwag mong aminin dahil isa kang demonyo!" sigaw ko sa kanya. "Lahat ng ginawa ko sayong paghihirap ay deserve mo iyan, dahil may kasalanan ang magulang mo sa amin!" galit na galit na sabi sa akin ni Mr. Pyle. "Walang kinalaman ang magulang ko sa nangyari sa inyo!" galit kong sagot kay Mr. Pyle. "Hindi mo alam kung ano ang buong kuwento kaya huwag mo isisi sa magulang ko, dahil hinding-hindi iyon magagawa ng Daddy ko!" sigaw ko sa k