ETERNITY Nagising na lang ako na nasa kama na pala ako, nakita ko si Manang sa aking tabi. Ang buong akala ko ay si Gomer ang makikita ko sa aking pagdilat. "Manang ano pong nangyari?" tanong ko sa kanya. "Naku, mahimatay po kayo kanina ma'am." pag-alalang sagot niya sa akin. Naalala ko nga pala ang nangyari kanina biglang sumikip na naman ang aking dibdib, dahil sa nangyari kaninang sagutan namin nila Gomer. "Saan po si Gomer?" tanong ko kay Manang. "Eh, umalis po kasama 'yong babae na dumating kanina." sagot ni Manang. Mas lalung sumikip ang aking dibdib sa aking narinig maspinili niyang makasama ang babaeng 'yon, kaysa sa akin na halos mamatay na sa galit, minahal nga ba ako ni Gomer or kasama pa ito sa paghihiganti niya noon sa akin, baka pinasakay lang niya ako sa gusto niya par

