ETERNITY "Ikaw?" ulit ko sa kanya. "Bakit ka nandito?" gulat din niyang tanong sa akin. "'Ehem.. baka puwede muna tayong pumasok saka ko ipapakilala sayo kung sino ang kasama ko." sabi ni Mr. Pyle saka kami pinapasok sa loob "Bakit kasama mo siya?" tanong ng matanda kay Mr. Pyle. "Mr. Veox, alam kong kilala mo si Ms. Veox, ata alam kung kadugo mo siya. Nagtatrabaho siya sa akin bilang assitant ko." paliwanag ni Mr. Pyle sa Uncle ko, kapatid siyang panganay ng aking Daddy. Isa siya sa tumaboy sa akin at pinagmumura ako, noong araw na humingi ako n tulong sa kanya para maisalba ang aming kumpanya. "Mabuti naman at tinanggap mo ang batang ito, kahit walang alam kundi ang iwaldas ang pera nila." sabi ng uncle ko kay Mr. Pyle. "Kahit pa siguro, araw-araw siyang magwaldas ng kanilang pera