ETERNITY Nagulat ako sa aking narinig, tinawag ni Gomer si Jake, mas lalung nanlaki ang aking mga mata ng titigan ko ang lalaking kaharao ko, tama nga ang aking kutob parang si Jake nga ang dumukot sa akin, per paano niya ito nagawa kay Gomer? "Hayop ka Jake, hindi ko akalain na aahasin mo ako ng ganito matapos kitang kupkupin at alagaan, pakainin ito ang igaganti mo sa akin?!" galit na sigaw ni Gomer kay Jake na nakatutok na rin ang baril niya kay Jake. Sa gulat niya Jake sa biglang pagsulpot ni Gomer sa lugar ay bigla siyang napalingon. Kaagad niya akong hinawakan patayo at tinutok niya sa akin ang kanyang baril habang nasa likod ko siya at hawak-hawak niya ako. "Bitawan mo ang baril mo, kundi hindi ako magdadalawang-isip na iputok itong hawak kong baril sa babaeng ito!" sigaw ni Jak

