ETERNITY Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, parang lumulutang ako sa hangin habang patakbo ako lumapit sa aking mga magulang. "Dad, Mom." humahagulgol kung sabi. Kaagad kong niyakap si Mommy, ang higpit ng yakap ko sa kanya, sobra akong nangulila sa kanila ni Daddy. "Anak, buti napadalaw ka, miss na miss ka na namin." wika ni Mommy. "Sorry, Mom, naging busy lang po talaga ako." hingging paumanhin ko sa kanya. Walang kaalam-alam ang mga magulang ko sa usapan namin ni Gomer, at mananatiling lihim ang lahat tungkol sa contract naming dalawa. "Huwag ka ng malungkot, ang mahalaga magkasama na tayo ngayon." masayang sabi ni Mommy. "Mom, kumusta kayo ni Dadday." pag-aalalang tanong ko." "Ok lang kami, anak, nagpapasalamat kami sa taong tumulong sa atin para madala rito ang Daddy