ETERNITY Sigaw ni Gomer, ang nakapag-gising sa aking diwa. Inikabig ko ang manobela pailiag sa malaking truck na makakasalubong namin. Nakita kong ang humahabol sa amin ay ang sumalpok sa malaking truck. Kaagad akong niyakap ni Gomer, sa sobrang takot ko, akala ko katapusan na namin. "Ok ka lang?" tanong sa akin ni Gomer. "Ok, lang ako, ikaw ok ka lang?" tanong ko rin sa kanya. "Ok lang ako." sagot niya sa akin. Kaagad kaming bumaba dahil naibangga ko ang sasakyan ni Gomer sa malaking poste, mabuti na lang at walang masamang nangyari sa aming dalawa. May dumating kaagad na mga police para tingnan ang nangyari, sinabi ng police na patay ang tatlong lulan ng sasakyang na sumalpok sa may malaking truck. Iimbistigahan na lang daw nila kung sino ang mga ito. Sumakay na kami ni Eternity sa