ETERNITY Sa lakas ng sigaw ni Ms. Mika sa baba na may kasamang mga police, akala mo naman kunh ako talaga ang may kasalanan. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ako bababa. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob para harapan siya. Wala yata rito si Mr. Pyle, kasi kung nandito siya ay kanina pa iyon lumabas. Hindi pa rin siya tumutigil sa kasisigaw sa akin kaya nagpasya na akong bumaba para harapin siya. Wala akong kasalanan kaya dapat hindi ako matatakot sa empaktang babae na iyon. "Mabuti at bumaba ka nang hampas lupa ka!" sigaw sa akin ni Ms. Mika ng makita niya ako sa may hagdan na pababa. "Bakit ano po bang kailangan ninyo?" tanong ko sa kanila. "Nagtatanong ka pa, tanga ka ba?" malakas niyang tanong sa akin. "Nagtatanong ako, dahil hindi ko alam ang sinasabi mo." sagot ko kay