SKYE Three weeks had been passed, pero mukhang busy pa rin si Uno sa kung ano man ang inaasikaso niya. Madalang kaming magkita at magkasama. Hindi na rin niya 'ko sinusundo at inihahatid pauwi after class. Kaya naman hindi na 'ko nagugulat kapag si One ang pumupunta sa building namin o sa bahay para ihatid ako. Nahihiya na nga ako kay Ash dahil parang nagiging chaperone na nila ako. Kahit sinabi ko naman kay One na hindi na niya 'ko kailangan pang sunduin sa bahay, he still insisted. Hindi raw niya 'ko puwedeng pabayaan na lang. Naiintindihan naman daw ni Ash ang ginagawa niya dahil magkaibigan kami. Simula nang bumalik ang ex ni Uno, naging busy na siya. Wala man siyang sabihin, alam kong may kinalaman kay Cyanne ang inaasikaso niya. Hindi ako nagtanong sa kanya nang kahit ano. Gusto k